Thursday, June 7, 2012

Watawat ng Pilipinas

Sa paghahanda para sa Araw ng Kalayaan sa June 12, gumawa tayo ng maliliit na watawat kasama ng ating mga tsikiting.
In preparation for the Independence Day on June 12, let's make small flags together with our kids.

Maari nating gamitin ang link na ito bilang template.
We can use this link as a template.


Salamat sa www.coloring-pictures.net
Thanks to www.coloring-pictures.net


Puti ang tatsulok, dilaw ang araw at ang mga bituin, bughaw ang bahagi sa taas at pula ang nasa ibaba.
A white triangle, yellow sun and stars, blue on the top and red at the bottom.


Kanya-kanyang diskarte kung alin ang mauuna siyempre.
Of course, to each his or her own style.


Pagkatapos kulayan, maaaring gupitin at idikit sa isang straw.
After coloring, it can be cut and pasted onto a straw.



Mabuhay ang Pilipinas.
Long live the Philippines.


Thursday, May 31, 2012

Pangako

June 12 is fast approaching and I am still living in another country.  Everytime this date passes, I wonder if I am able to raise my children still rooted in Filipino culture.  I have failed language-wise because of the influence of TV and their classmates, what else can I do?  Starting today May 31, 2012, I will try to collect various activities for Filipino children, whether they're in the Philippines or not. --a promise from a Filipina mother.

Papalapit na naman ang June 12 at narito pa rin kami sa ibang bansa.  Tuwing dumadaan ang petsang ito, napapaisip ako kung napapalaki ko ba ang mga anak ko na nakaugat pa rin sa kulturang Pilipino.  Di nga ako tagumpay sa wika dahil na rin sa impluwensiya ng TV at ng mga kasamahan nila sa paaralan, ano pa ba ang puwede kong gawin?  Mula ngayong May 31, 2012, susubukan kong mag-ipon ng iba't ibang gawain para sa mga batang Pilipino, nasa Pilipinas man o wala.  -- pangako galing sa isang Pilipinang ina.