Friday, February 15, 2013

Mapa Ng Pilipinas

We've always wanted a Philippine map displayed somewhere in our house.  Finally, my husband tacked it near the kids' study area.  
Matagal na naming gustong magkaroon ng mapa ng Pilipinas sa bahay.  Sa wakas, naipaskel ito ng aking asawa malapit sa aralan ng mga bata.

Since we visited my husband's home city in Dipolog and stayed in Las Pinas for most of the Christmas holidays, these were the primary places that we pointed out to them.  My kids also see me wearing a Bohol shirt so they took note of its location too.  
Dahil binisita namin ang Dipolog at Las Pinas nung Pasko, ito ang mga lugar na itinuro agad namin.  Nakikita rin nila akong nagsusuot ng Bohol shirt kaya inalam din nila ang lugar na ito.  




We're also homeschoolers so we're the type who like hitting two birds (well, in this case many birds) in one stone when it comes to educating our kids.  A few days after, my daughter was fiddling with a globe and she suddenly had the urge to 'know' where Dipolog was in the small Philippine archipelago in the globe.  She said she wanted to know how far Dipolog was from the USA.  I asked her to check the Philippine map first so she can estimate where in the small Philippine map on the globe it is.  I would like to believe that in that short experience, my kids were able to understand estimation and scale -- even if they do not quite understand those words yet.
Bilang homeschoolers, gusto namin yung napagsasama-sama namin ang kanilang mga natututunan.  Makalipas ang ilang araw, pinaglalaruan ng bunso ko ang globe at biglang gustong malaman kung nasaan ang Dipolog sa maliit na kapuluan ng Pilipinas sa globe. Gusto raw niyang malaman kung gaano kalayo ang Dipolog sa USA.  Sabi ko, tingnan muna niya ang mapa ng Pilipinas (na malaki) para niya matancha kung saan ito dun sa maliit na mapa ng Piipinas.  Naniniwala ako na sa maikling panahon na yun ay naintindihan ng mga anak ko ang 'estimation' at 'scale' kahit hindi pa nila naiintindihan ang mga sailtang ito mismo.


Saturday, February 9, 2013

Ang Pagbabasa Sa Filipino

If your kids are like mine, their first books were in the English language.  I realized quite late that the Filipino language is at a disadvantage because there was so much around them that were in English unlike during my childhood.  Now, I feel like I have so much catching up to teach them.Thanks to these new booksinthe stores these days, kids now have a chance to read entertaining stories in Filipino.
Kung katulad ng mga anak ninyo ang mga anak ko, marahil ang una nilang mga libro ay sa wikang Ingles.  Huli ko nang napansin na lugi talaga ang wikang Filipino sa panahon ngayon dahil karamihan ng maririnig at makikita sa kanilang paligid ay Ingles, di tulad nung bata pa ako.  Ngayon, para tuloy akong naghahabol sa pagtuturo sa kanila.  Salamat sa mga bagong aklat na kumakalat sa mga bilihan ng mga libro ngayon, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga batang magbasa ng mga nakakatuwang kuwento sa Filipino.

I remember how easy it was to read Filipino.  Just read it as it is.  In fact, I believe new readers should start with Filipino since the rules are very simple.  Kids won't get frustrated easily. 
Naalala ko pa kung gaano kadali magbasa sa Filipino dati.  Basahin lamang ng tuwiran.  Dapat nga ata sa Filipino mauna matuto magbasa dahil napakadali lamang.  Di mahihirapan agad ang mga bata.

Before I let the kids try, I started with the vowels. If your kids don't know any Filipino words, you can use English.

  • A - apple
  • E - elf
  • I - igloo
  • O - order
  • U - oo sound in book
Bago ko sinabak ang mga bata, binalikan ko muna ang mga patinig.
  • A - atis
  • E - eroplano
  • I - itlog
  • O - oras
  • U - ulan
Maaari niyo itong baguhin depende sa mga salitang bihasa ang inyong mga anak.

Then, I added the consonants and practiced.
Tapos, nilagyan ko ng mga katinig at nagsanay kami.


The only special words I taught were 'ng' and 'mga.' Just read them as 'nang' and 'manga.'
Ang tinuro ko lang na medyo kakaiba ay ang mga salitang 'ng' at  'mga.'  Basahin lamang ito bilang 'nang' at 'manga.'

Lastly, have fun!