Kung katulad ng mga anak ninyo ang mga anak ko, marahil ang una nilang mga libro ay sa wikang Ingles. Huli ko nang napansin na lugi talaga ang wikang Filipino sa panahon ngayon dahil karamihan ng maririnig at makikita sa kanilang paligid ay Ingles, di tulad nung bata pa ako. Ngayon, para tuloy akong naghahabol sa pagtuturo sa kanila. Salamat sa mga bagong aklat na kumakalat sa mga bilihan ng mga libro ngayon, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga batang magbasa ng mga nakakatuwang kuwento sa Filipino.
Naalala ko pa kung gaano kadali magbasa sa Filipino dati. Basahin lamang ng tuwiran. Dapat nga ata sa Filipino mauna matuto magbasa dahil napakadali lamang. Di mahihirapan agad ang mga bata.
- A - apple
- E - elf
- I - igloo
- O - order
- U - oo sound in book
- A - atis
- E - eroplano
- I - itlog
- O - oras
- U - ulan
Then, I added the consonants and practiced.
Tapos, nilagyan ko ng mga katinig at nagsanay kami.
The only special words I taught were 'ng' and 'mga.' Just read them as 'nang' and 'manga.'
Ang tinuro ko lang na medyo kakaiba ay ang mga salitang 'ng' at 'mga.' Basahin lamang ito bilang 'nang' at 'manga.'
Lastly, have fun!
No comments:
Post a Comment